Pano nabuo ang mundo? Scientific Ayon sa teyoryang solar nebular, ang mundo at ang solar system ay nabuo mahigit apat na bilyong taon ang nakalipas. Ayon sa sayantipikong teyorya, nagkaroon ng isang napakalawak na nebula na binubuo ng mga alikabok at gas na nagsama-sama dahil sa puwersa ng gravity. Nang uminit ang gitna ng solar nebula na patuloy na nasisiksik dahil sa mga nagsama-samang alikabok at gas, patuloy itong naging flat at umikot-ikot hanggang mabuo ang protoplanetary disk ilang milyong taon ang nakalipas kung saan nabuo ang mga planeta kasama ang mundo. Ang mga siksik na planeta ay nabuo malapit sa araw at mga planetang puro gas ay nabuo sa labas na bahagi ng solar system.
Sino si andres bonifacio Si Andres Bonifacio ang binansagang " Ama ng Katipunan ". Isa siyang rebolusyunaryo at makabayang Pilipino . Siya ang nagtatag ng kilusang katipunan at nagmaglaon ay naging Supremo nito. Layunin nito na makamtan ang kasarinlan ng bansa sa kamay ng mga kastila. Kinilala siya ng ilang dalubhasa sa kasaysayan bilang unang pangulo ng bansa ngunit hindi siya pormal o opisyal na kinilala. brainly.ph/question/50818 brainly.ph/question/1905310 brainly.ph/question/803835
Aral sa kabanata 1 noli me tangere Noli Me Tangere Kabanata 1: Isang Pagtitipon Aral: Sa kabanatang ito ay natutunan natin na hindi maganda ang labis na paggastos at pagiging maluho sapagkat ito ay maaaring magdulot ng ibat ibang panganib gaya ng pang aabuso ng iba, pagnanakaw, at panibugho at inggit para sa labis na kayamanan. Gaya na lamang ng pagmamalabis sa piging na inihanda ni Don Tiyago ng mga taong nag sidalo upang makinabang sa libreng pagkain at pagkakataon na makadaupang palad ang mga mayayaman. Bukod dito, matututunan din na hindi maganda ang epekto ng colonial mentality sa mga tao. Hindi dahil mula sa ibang bansa ay may malaking pagkakaiba ito sa likas na pilipino. Umalis man si Crisostomo Ibarra at nakapag - aral sa ibang bansa, hindi nawala sa kanya ang puso at kaisipang pinoy. Siya pa rin ang Crisostomo Ibarra na ipinanganak sa pilipinas kaya nga minabuti niyang magbalik bayan. Ipinakita niya na hindi maganda ang ugali na pagta takwil sa
Comments
Post a Comment