Aral Sa Kabanata 1 Noli Me Tangere
Aral sa kabanata 1 noli me tangere
Noli Me Tangere
Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Aral:
Sa kabanatang ito ay natutunan natin na hindi maganda ang labis na paggastos at pagiging maluho sapagkat ito ay maaaring magdulot ng ibat ibang panganib gaya ng pang aabuso ng iba, pagnanakaw, at panibugho at inggit para sa labis na kayamanan. Gaya na lamang ng pagmamalabis sa piging na inihanda ni Don Tiyago ng mga taong nag sidalo upang makinabang sa libreng pagkain at pagkakataon na makadaupang palad ang mga mayayaman.
Bukod dito, matututunan din na hindi maganda ang epekto ng colonial mentality sa mga tao. Hindi dahil mula sa ibang bansa ay may malaking pagkakaiba ito sa likas na pilipino. Umalis man si Crisostomo Ibarra at nakapag - aral sa ibang bansa, hindi nawala sa kanya ang puso at kaisipang pinoy. Siya pa rin ang Crisostomo Ibarra na ipinanganak sa pilipinas kaya nga minabuti niyang magbalik bayan. Ipinakita niya na hindi maganda ang ugali na pagta takwil sa sariling bayan. Batid niya na hindi kailanman magtatagumpay ang sinuman na hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. Tulad ng tinuran ni Dr. Jose Rizal na ang sinuman na hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda. Kapareho ng ang pilipino na hindi marunong magmahal sa kanyang bayang pilipinas ay nakakahiya at walang pagkakaiba sa mga dayuhan.
Read more on
Comments
Post a Comment